So kung hindi ka pa pinakiusapan ng mga kaibigan ko, hindi mo ako isasayaw? Ang sakit naman...
Tagalog-english muna tayo ngayon kasi medyo inaantok po ako... Kagagaling ko lang sa prom and I'm striving to keep my eyes open just to be able to type this entry... Eto yung (mga) nangyari:
Blah blah blah, nagpamake-up ako't nagpaayos ng hair, blah blah blah skip skip skip. So imagine nating asa reception na ako't kasama ko na ang mga friends ko. Sinamahan ako noon nina Vannessa, Romeo at Sharlyn sa ladies' room kasi may mga natanggal akong mga hairpins. So habang nandoon ako't chine-check ko yug reflection ko sa may mirror sa labas, nakita ko na nandoon si TWEETY (Codename ng crush ko) sa loob ng men's room, nag-aayos rin. Eh, alam niyo naman ako kapag nakikita ko siya, di ba? Tumatakbo ako palayo. Ganoon na nga yung ginawa ko.
From a distance, nakita ko sina Romeo't Sharlyn na nag-uusap; hawak ni Romeo yung coat ni TWEETY. May hinala akong isa na naman itong romantic set-up para sa akin.
Maya-maya, medyo nagalit ako nang konti so sinabi na ni Romeo kung ano talaga yung tunay na nangyari: tama ang hinala ko, set-up nga. Eto yung dialog:
*SHARLYN: Itanong mo nga si Tweety kung puwede niyang isayaw si Hannah.
*ROMEO: Tweety, may itatanong ako sa iyo.
*TWEETY: Huwag mo nang ituloy, alam ko na kung anong sasabihin mo. Dinig na dinig ko.
*ROMEO: So, anong sagot mo?
*TWEETY: Ok!
Ayan po ay isang halimbawa ng pagmamahalan ng mga tapat na magkakaibigan... Grabe, noh?
Fast-forward na sa slow-dancing time... May technique pala pati sa pag-slow dance para bawas hassle: changing partners... So first dance ko si Allas, pagkatapos ay ipinasa ako kay Jeric. Nagpapicture kami for two shots, the second shot bearing me with my back to him, his arms around my waist. Tapos tinukso niya ako, pinapa-inggit ko lang daw yata kuno si Tweety. Hindi noh! Tapos kinuwento ko sa kaniya lahat ng mga ginawang katarantaduhan sa akin ng mga friends ko. Tapos sabi ko, asa akong isasayaw nga niya ako! Tumawa lang siya.
Tapos naipasa ako kay Alan, tapos kay Ison... Nakikipagsayaw pa lang ako with Alan, nakita kong malapit na si Tweety sa amin... Kaya pagkatapos namin ni Ison, naipasa ako...
...sa lalaking isinisigaw ng puso ko (naka naman!). Inabot niya yung kamay ko tapos sumayaw kami (picture, picture) for about twenty measley seconds... Tagal naming sumayaw noh? 'The Gift' pa man din yung kanta...
Kahit ganoon lang yung itinagal ng pagkakadaop ng mga palad namin sa isa't isa at yung pag-indayog namin sa himig ng kanta, masayang-masaya pa rin ako. At least, di ba, may isang prom memory akong itre-treasure hangga't siya pa rin ang mahal ko... Kahit alam kong walang kapaga-pag-asa ang isang tulad ko sa isang katulad niya, masaya na ako... Actually during that time, nagtatalo na ang mga kalooban ko kung sasabihin ko ba sa kaniyang mahal ko siya o hindi...
Tapos pagkatapos nung kanta, inihatid pa niya ako sa table ko (with matching akbay of the hands pa rin)... Kakatuwa, kasi napaka-gentleman niya. Pagkaalis niya, pinagtripan ko yung pouch ng camera ko saka yung table. Sinuntok-suntok ko. Hehe.
Tapos maya-maya ng konti, bigla siyang umupo sa tabi ko. Nag-hi siya sa akin, nag-hi rin ako sa kaniya. Tapos sabi niya, 'Teka lang...' tapos umalis na siya... Ano yun? Hmmm... Baka dare. Hehe. =)
In conclusion, tonight had been a very magical night for me... Marami pa nga kong nakasayaw eh, tulad nina Dondi, Kevin, etc... I felt like a princess, though I knew from the very start that the magic would only last until the stroke of midnight... Well, at least I got to dance with my Prince Charming... That fantastic memory is enough to sustain me of my dreams... =) I love you.
P.S. to Tweety kahit alam kong hindi mo rin naman mababasa ito: Alam kong alam mo na kung sino ka (Hindi actually, kutob lang pero sabi ni Jai alam mo na raw)... Hehe, don't mind me...